eLf Poetry

My Photo
Name:
Location: Winnipeg, Manitoba, Canada

I indite what I think. Therefore, I am eLf.

Wednesday, January 01, 2014

Poetry 2013 #8: Love in the Logic of Life


Stanza 1

A friend of mine asked me, "Shall we ever find love
In the logic of life?" I said,
"Yes, of course; I mean, we should."
That's the logical thing to do--

We struggle to survive
We live and then we smile
We laugh and then we cry
And soldier on and on and on

Chorus

To find love in the logic of life
To make love with the logic of life
There's life in the logic of love
I live for the love of logic

Stanza 2

When I was a boy, living was already both
Easy and hard; happy and sad.
Don't tell me life was simple
Because in both childhood and age

We stumble and strive
We love and break our hearts
We dream, we fly, we fall
But carry on and on and on

Chorus
To find love in the logic of life
To make love with the logic of life
There's life in the logic of love
I live for the love of logic

Poetry 2013 #7: Panahon para sa Bawat Kabanata

.
Mayroong mga nagtataka
Kung wala raw ba ’kong magawa
Kaya panay sulat ng tula..

Ang sagot ko sa kanila
Ang hilig ay kanya-kanya;
Matagal na ’kong makata.

Kahit abalá
Palaging may oras pa
Sa ’king pamilya.

Ang pagkabata
Ay napakahalaga—
’Sang alaala.

’La naman akong bisyong masama.

Inaayos bawat kabanata.

Poetry 2013 #6: Nasa Tao ang Awa, Nasa Tao Rin ang Gawa

.
At umatake na nga ang demonyong bagyo--
Winasak--buhay ng napakaraming tao.

May mga nakatakas; merong nakaraos.
Mga pangarap--ultimo ningas...naupos!

Sadyang ganyan ang buhay--matira'ng matibay.
Marami'ng dahilan kumba't may namamatay.

Merong mahina ang isip at kalooban;
Maraming uhaw't gutom sa kasaganaan.

May mahihina ang pangangatawan dahil
Walang perang pambayad kapag sinisingil.

Wag na sanang kahibangan ang pairalin;
Ang katotohanan ang s'yang dapat harapin.

Ang kailangan ay malinaw na solusyon,
At hindi mga d'yus-d'yosang pawang delusyon.

Poetry 2013 #5: Such Myopic Bickering!

.
Some people are lamenting
That there are no more poets.
Such myopic bickering!
They need to read the pamphlets.

Some people are complaining
That there’s no more good music.
Such myopic bickering!
It’s them who lost the magic.

Some people are insisting
That there are no more good books.
Such myopic bickering!
They don’t look at all the nooks.

Any given time and place
There will always be worthwhile

Poetry, music, and books. In

Poetry 2013 #4: The Muse and the Poet

My muses of poetry are
Making love with me again.
They're dancing by my radar
While list'ning to English Rain.
They took me by surprise!

My love for figures of speech
Never really left my heart;
Whatever rhymes with beseech
Right now is a work of art.
Will you let me improvise?

The lady who gives me glee
Gave me too my New Wave boy.
He's my immortality,
And she's my bringer of joy.

They're my piece of paradise!

Poetry 2013 #3: Oda sa Pakikipagkaibigan

.
Maaga pa naman, kaibigan;
May ibang araw pang nakalaan
Nang matuloy na ang pagkikita;
Sa tugtuga'y magsasama-sama.

Sina Pol at Jyel, maggigitara.
Si Renee at ako ang kakanta.
Si Joan, ah e, tsutsuwariwap.

At pagkatapos ng kasiyahan,
Magpapakain uli si Joan.
Paglutuin kaya natin si Pol?

Sige na nga, seryosong usapan!
Itigil na muna ang tugtugan.
Gusto ko kayong pasalamatan
Sa kabutihang ipinaramdam.

Poetry 2013 #2: Minsa'y May Mag-Amang Bata

.
May isang makulit na bata
Sa hagdanan ay akyat-baba
Ilang ulit na paalala
Sa kanya'y hindi umuubra
Subalit ano'ng magagawa
Mga salita'y walang bisa
Sabagay nung ako'y bata pa
Kakulitan ko'y mas malala

Minsan noong ako'y bata pa
Ina ko'y parang sirang plaka
Sa kanyang mga paalala
Na di ko naman iniinda

Kaya ngayong ako na'ng ama
Mayaman ako sa pasensya

Poetry 2013 #1: May Tono ang Bawat Talumpati

.
Sige, tawa, bungisngis, halakhak
Walang sawa sa kakapalakpak
Akala mo dahil sa paghanga
Yun pala'y nagngingitngit sa inggit

Pangiti-ngiti, pa-opo opo
Pagtalikod, ang haba ng nguso
'Buti pang tumahimik ka na lang
Kung ang intensyon mo'y kasamaan

Sige pa, ngising labas-gilagid
Ngala-ngala mo'y nanlilimahid
Kurbada ng makapal na bibig
Masahol pa sa panis na laway

Kung maliksi ang 'yong pakiramdam
Madali mo namang mahuhuli
Mga taong mahilig magpanggap