Nasaan Na Nga Ba ang mga Ibon?
Ang sikat ng araw ay nakasisilaw;
Sa aming paglalakad siya ay tanglaw;
Subalit hindi madama kanyang init…
Malamig na hangin ay ihip nang ihip—
Malakas na hanging nagsisilbing walis
Sa mga tuyong dahong tumatalilis.
Mayroong ugong na nanggagaling sa langit;
Ako'y napatingala sa himpapawid—
Anungbilis ng salipawpaw na tumatawid,
Sa kaulapan ay malayang gumuguhit.
May-hangad-sa-mga-mata akong nanamlay…
Kaylan kaya sa ganyan muling makasasakay,
Pabalik sa piling ng mga mahal sa buhay?
Linga rito, linga roon ang aking lolo,
Panay ang masid sa mga bubong at puno,
Hanap-hanap pakalat-kalat na mga ibon.
Malamang sila'y nasa migrasyó n, wari ko—
Naghahanap ng pagkaing maiipon,
Upang sa sandaling tag-lamig ay magbalik,
Sila ay handa at di daranas ng gutom.
At maya-maya pa ay pagod na si Lolo,
Kaya sa paglalakad ay biglang sumuko.
Sabagay ako rin nama'y giniginaw na.
Sa mga ulap, araw ay nagtatago na.
Ako kaya—magtatago rin ba't susuko?
Kaya pa bang ikubli, luhang tumutulo?
(Sunday, February 13, 2005)
Sa aming paglalakad siya ay tanglaw;
Subalit hindi madama kanyang init…
Malamig na hangin ay ihip nang ihip—
Malakas na hanging nagsisilbing walis
Sa mga tuyong dahong tumatalilis.
Mayroong ugong na nanggagaling sa langit;
Ako'y napatingala sa himpapawid—
Anungbilis ng salipawpaw na tumatawid,
Sa kaulapan ay malayang gumuguhit.
May-hangad-sa-mga-mata akong nanamlay…
Kaylan kaya sa ganyan muling makasasakay,
Pabalik sa piling ng mga mahal sa buhay?
Linga rito, linga roon ang aking lolo,
Panay ang masid sa mga bubong at puno,
Hanap-hanap pakalat-kalat na mga ibon.
Malamang sila'y nasa migrasyó n, wari ko—
Naghahanap ng pagkaing maiipon,
Upang sa sandaling tag-lamig ay magbalik,
Sila ay handa at di daranas ng gutom.
At maya-maya pa ay pagod na si Lolo,
Kaya sa paglalakad ay biglang sumuko.
Sabagay ako rin nama'y giniginaw na.
Sa mga ulap, araw ay nagtatago na.
Ako kaya—magtatago rin ba't susuko?
Kaya pa bang ikubli, luhang tumutulo?
(Sunday, February 13, 2005)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home